109

Oct 4, 2021 @ 17:01
By

Arroyo tatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD, hindi PDP-Laban

Tatakbo si dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagka-kongresista sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Ikinatuwa naman ng Lakas-CMD sa pangunguna ng pangulo nito na si House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, party Secretary-General at Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., at party spokesman at Pangasinan Rep. Christopher De Venecia ang muling pagtakbo ni Arroyo.

“(President) Arroyo has a proven track record with excellent credentials in leading our country to greater heights. Given her abilities, competence, fairness, sound judgment, commitment and focused leadership, she will be a very promising leader and a tremendous asset to the incoming 19th Congress,” sabi ng pahayag ng Lakas-CMD.

Noong 2017, si Arroyo ay nanumpa bilang miyembro ng PDP-Laban.

Siya ay nanatili namang President Emeritus ng Lakas-CMD.

Ang pagbabalik ni Arroyo sa Kamara ay nagbunsod ng espekulasyon na nais nito na muling maging Speaker.

Nagsimula ang mga bali-balita na tatakbo si Arroyo muli at papalitan ang kanyang anak na si Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, na nasa unang termino pa lamang, matapos itong makipagkita kay Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na itinutulak na tumakbong Pangulo ilang buwan na ang nakakaraan.

Mayroong mga alegasyon na si Carpio ang nasa likod ng pagtanggal kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker noong 2018. Si Alvarez ay pinalitan ni Arroyo.

Ang Lakas-CMD ay kaalyado ng regional party na Hugpong Ng Pagbabago na pinamumunuan ni Carpio.

Para makatakbong pangulo kailangang ampunin si Carpio ng isang national party gaya ng Lakas-CMD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?