107

Dec 10, 2019 @ 18:11
By

Arroyo, Ramos pananagutin kung dawit sa water deals

Posibleng makasuhan ang mga dating pangulong sina Gloria Macapagal-Arroyo at Fidel V. Ramos kapag napatunayang nakipagkutsabahan sila sa pagbuo sa “onerous” deals sa pagitan ng gobyerno at water concessionaires.

“If they are part of the conspiracy. But if they are not, they cannot be included,” saad ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nang tanungin kung masasama sa makakasuhan ng gobyerno ang dalawang dating presidente dahil sa water deals.

Nakuha ng Manila Water at Maynilad ang concession contracts para siyang mag-supply ng tubig sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan noong 1997, sa panahon ng panunungkulan ni Ramos.

Samantala, bago pa man mag-expire ang kasunduan sa 2022, pinalawig na agad ito ng Arroyo administration noong 2009 ng hanggang 2037.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?