776
Arroyo posibleng kasuhan sa pagpirma sa national budget – Lacson
Mar 13, 2019 @ 15:01
By

Arroyo posibleng kasuhan sa pagpirma sa national budget – Lacson

Iginiit ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na maaaring maharap sa kaso si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pag-apruba ng modified version ng nilulutong 2019 national budget.

Ayon kay Lacson, kung mayroon mang nilabag sa Konstitusyon sa paggawa ng national budget ay mahaharap sa kaso si Arroyo dahil sa kanyang pagpirma dito bago ipasa sa Senado.

Saad pa ni Lacson, kanila nang minungkahi kay Senate President Tito Sotto na ‘wag pirmahan ang nasabing bill dahil sa mga iregularidad nito.

“Huwag nila kaming pilitin na mag violate ng Constitution. Huwag nila kaming isama kung gusto nila mag-violate,” ani ni Lacson.

“In fact, since Speaker Arroyo already signed the House version of the enrolled bill, she’s already prone to being charged for falsification because she has already certified on something that did not take place,” aniya pa.

Sa nasabing bersyon, may nabago umano dito mula sa naratipikang bersyon ng Kamara at Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?