495

Feb 18, 2019 @ 12:01
By

Arroyo o Duterte? Alamin kung sino ang isasalba ni Chel Diokno

Kung lumulubog ang barko, sino kaya ang isasalba ng opposition senatorial bet na si Chel Diokno, si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo o Pangulong Rodrigo Duterte?

‘Yan ang kinailangang sagutin ng human rights lawyer na si Diokno sa ‘fast talk’ portion sa Harapan senatorial debate ng ABS-CBN.

Naging kakaiba ang tugon ni Diokno, na tila walang gustong sagipin sa dalawang politiko.

“Naku, sa akin na lang kaya?” pakli ni Diokno dahilan upang magtawanan ang mga nasa venue.

Maging si Senador Chiz Escudero ay napabilib sa mga sagot ni Diokno sa nasabing segment.

“Atty. Chel Diokno did very well during the “Fast Talk” segment of ABS-CBN’s Harapan 2019 last night! I enjoyed watching him deliver his witty one-liners. Kudos to you Chel and here’s to wishing you all the best in the coming elections!” ayon kay Escudero.

Si Diokno ay parte ng ‘Otso Diretso’ senatorial slate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?