27

Apr 6, 2021 @ 21:25
By

Arroyo nakidalamhati sa pagpanaw ng ex-press secretary

Nagpahayag ng pakikidalamhati si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpanaw ni Crispulo Julio “Jun” Icban Jr., na nagsilbing press secretary nito noong 2010.

“I join those whose lives Jun Icban touched in mourning his death. Jun has always been a fighter, silently but resolutely facing all of life’s challenges thrown his way,” ani Arroyo sa isang pahayag.

Sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19 ay pumupunta pa rin umano si Icban sa Manila Bulletin kung saan ito nagtatrabaho at ipinakita ang kanyang debosyon sa kanyang propesyon.

“When he served as my Press Secretary during my presidency, he showed his outstanding mettle not just in media affairs but in people management. He was well-loved and respected by reporters and his peers,” dagdag pa ni Arroyo.

Malaki umanong kawalan si Icban sa media industry.

“Jun was the embodiment of old school journalism, objective with an eye for detail and accuracy. He pursued truth and exacted and personified professionalism,” saad pa ng dating Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?