243

Nov 10, 2021 @ 22:19
By

Arroyo itinanggi meeting kay Mayor Sara

Itinanggi ng kampo ni dating Pangulo at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kumakalat na post sa social media na makikipagpulong ito kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Balesin.

Ipinaabot ng staff ni Arroyo na si Kris Sunga ang mensahe sa media ngayong Miyerkoles ng gabi.

“Former President Gloria Macapagal-Arroyo is not meeting with Mayor Sara in Balesin,” sabi ng mensahe na inilagay sa isang Viber group.

Batay sa kumakalat na social media post, magpupulong sina Arroyo at Carpio sa villa ng dating pangulo sa Balesin mula Nobyembre 11 hanggang 14.

Kasama rin umano sa pagpupulong ang 90 kongresista.

Mayroong mga nagsasabi na si Arroyo ang magiging Speaker kapag si Carpio ang pumalit sa tatay nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna rito, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na maaaring tumakbo si Carpio sa ilalim ng Lakas-CMD, ang political party ni Arroyo.

Si Carpio ay isa sa itinuturong nasa likod ng pagtanggal kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker noong 2018, na pinalitan ni Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?