76

By

Arroyo ile-level up sa PDP-Laban

Sharing is caring!

Itutulak ng mga kongresistang kasapi ng PDP-Laban na mabigyan ng mas mataas na posisyon sa partido si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Katuwiran ni Quezon City Rep. Winston Castelo, ngayong lider na ng Kamara si GMA, nararapat lamang na maluklok din ito sa mas mataas na posisyon sa PDP-Laban.

“Considering GMA now is the Speaker, I think we should level up her position sa PDP. We’d like to recommend her in a national position doon sa PDP,” sabi ni Castelo.

Para sa kongresista, bentahe rin sa mga miyembro ng PDP-Laban sa Kamara kung nasa mas mataas na posisyon si Arroyo dahil makapagbibigay ito ng impluwensya sa mga proyekto, programa at iba pang pangangailangan ng mga miyembro ng Kamara at kanilang constituents.

Ayon kay Castelo, ang isa sa mga ikinukunsiderang posisyon
para kay GMA ay ang pagiging Secretary General o ang parehong posisyon na hawak ngayon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa ngayon aniya ay wala pang pagbabago sa loob ng kanilang partido at tiniyak daw ng bagong liderato na walang mga matatanggal sa kabila ng mga paksyon ngayon sa PDP-Laban.


Kaugnay nito’y sinisikap naman ng mga kongresistang taga-PDP-Laban na muling pag-isahin ang nahating partido dahil sa speakership.

Sa katunayan, si Negros Occidental Rep. Albee Benitez aniya ang naitalagang tagapamagitan sa dalawang paksyon para maging maayos ang relasyon.

“Albee will be a good bet to unify the Alvarez and GMA’s PDP-Laban factions. He is the emotional choice right now,” ani Castelo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?