34

By

Arroyo ‘di pa tiyak susunod na Secretary General ng PDP-Laban – Koko

Sharing is caring!

ITINANGGI ni PDP-Laban President at Senador Koko Pimentel na posibleng ipalit na kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang bagong lider ng Kamara na si Pampanga Representative Gloria Arroyo bilang Secretary General ang partido.

Ayon kay Pimentel, katunayan sa idinaos nilang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi anya nabanggit ang pangalan ni Arroyo.

“Wala namang ganyang talks nung meeting namin. Nung meeting namin yung pangalan ni Speaker GMA hindi nabanggit ni minsan,” saad ni Pimentel.

Bineberipika na rin anya nila ang impormasyon na hindi pa sumasailalim sa Basic Membership Seminar (BMS) ng PDP-Laban si Arroyo subalit tiniyak na mananatili itong miyembro ng partido.

“Opo, dinodouble check naming kasi merong allegation na wala siyang BMS so kung confirmed po yan i-offer sa kanya na mag-BMS muna,” pahayag pa ng senador.

Kinumpirma rin ni Pimentel na muling magpupulong ang kanilang partido sa September 1 upang talakayin na rin ang mga posible nilang kandidato sa Senatorial elections sa 2019.

“Nagdo-double time na ang headquarters ng PDP-Laban para sa campaign setup, machinery, dapat may feedback sa baba sino mga tatakbo. Dapat ready na kasi gusto ni Pres. Duterte kung official candidate ng PDP Laban, kung may oras at pagkakataon tutulungan nya sa kampanya. Pero huwag ilagay sa alanganin na may makalusot na corrupt masyado na tao o drug lord pala involve sa drugs,” diin ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?