81

Sep 25, 2021 @ 13:29
By

Arroyo balik politika, tatakbong kongresista

Tatakbo muling congresswoman si dating pangulo at speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa 2022 elections.

Kinumpirma ito ng anak niyang si incumbent Pampanga 2nd District Rep. Mikey Arroyo.

Sinabi naman ng batang Arroyo na hindi siya tatakbo sa darating na halalan at magiging campaign manager ng kanyang ina.

Noong 2019 natapos ang ikatlo at huling termino ni Arroyo bilang congresswoman ng 2nd District ng Pampanga.

Nakaraang taon nagbalik siya sa gobyerno nang kunin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidential adviser sa mga Clark flagship program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?