177

Sep 25, 2018 @ 13:11
By

Arroyo bagsak ang trust rating sa Pulse Asia

Hindi naging mataas ang naging resulta sa unang trust rating ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang bagong posisyon bilang house speaker.

Sa inilabas na survey ng Pulse Asia sa buwan ng Septyembre, 19-porsyento lang, o halos dalawa sa 10 Filipino ang bumoto ng ‘big trust’ o nagtitiwala sa kakayahan ni Arroyo.

37-porsyento naman ang ‘undecided’ samantalang 43-porsyento ang may katiting o walang tiwala sa Speaker.

Pinakamataas na ni Arroyo ang 30-porsyentong ‘big trust’ sa Mindanao, tuluyang bumulusok sa Visayas (19%), NCR (18%), at Luzon (14%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?