116

By

Arrest warrant kay San Mateo, pinagdudahan ni Poe

Sharing is caring!

Kinastigo ni Senadora Grace Poe ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay George San Mateo, ang pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Ayon sa senadora, kaduda-duda aniya ang paglabas ng arrest warrant laban sa lider ng PISTON.

Kanina, nagpalabas si Judge Don Ace Mariano Alagar ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43 ng warrant of arrest laban kay San Mateo matapos makitaan ng korte ng paglabag sa Section 20 (k) of the Commonwealth Act No. 146 or The Public Service Act.

Ang arrest warrant ay nilagdaan noong Disyembre 1, ilang araw bago ihayag ni San Mateo na magsasagawa sila ng dalawang araw na tigil-pasada.

Nagdesisyon ang grupo na ikansela ang pagkilos na dapat sana ay isagawa noong Disyembre 4 at 5 matapos ang apela ni Poe.

“Everyone has the right to peaceably assemble. It is unclear based on the cited section of the Public Service Act (PSA) what exactly San Mateo violated,” sabi ni Poe sa isang statement.

Pinaglagak ng korte ng P4,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni San Mateo.

Ang arrest warrant ay nag-ugat sa reklamo inihain ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban kay San Mateo kaugnay ng itigil-pasada na isinagawa noong Pebrero. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?