59

Aug 30, 2019 @ 21:31
By

Arrest warrant inisyu vs DeMarcus Cousins

Naiulat na naglabas ng arrest warrant ang Alabama Police laban kay Los Angeles Lakers center DeMarcus Cousins.

Batay sa report ng USA Today Sports, kaugnay ito ng kaso ng 29-anyos na player na misdemeanor domestic violence.

Ang arrest warrant ay dalawang araw matapos ilabas ng TMZ ang isang audio recording kung saan maririnig umano si Cousins na nagbantang babarilin ang kanyang ex-girlfriend habang nagtatalo sila tungkol sa 7-anyos nilang anak na lalaki.

Kapwa inihayag ng NBA at Lakers na iniimbestigahan na nila ang alegasyon kay Cousins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?