27

Jul 8, 2020 @ 13:57
By

Arrest warrant inilabas na vs 3 kadete, 3 doktor sa pagkamatay ni Dormitorio

Ipinag-utos na ng Baguio City Regional Trial Court (RTC) ang pag-aresto sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) at tatlong PMA doctors na sangkot sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio nitong nakaraang taon.

Ayon kay Baguio City Chief of Police Col. Aallen Rae Co, naglabas na ng warrant of arrest ang Baguio City RTC First Judicial Region Branch 5 Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera laban sa mga kadeteng sina Shalimar Imperial Jr. at Felix Lumbag Jr para sa kasong hazing at murder, gayundin kay 3rd Class Cadet Julius Carlo Tadena para sa kasong hazing at less serious physical injuries.

Ang mga nasabing kadete ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) General Headquarters ayon pa kay Co.

Bukod sa tatlong kadete ay inilabas na rin ng Baguio City Regional Trial Court First Judicial Region Branch 5 ang warrant of arrest laban sa tatlong PMA station hospital na pinangunahan ng hepe nila na si Lt. Col. Ceasar Candelaria at medical officers na sina Captain Flor Apple Aapostol at Major Maria Ofelia Beloy na kinasuhan ng murder dahil sa kapabayaan sa pagkamatay ni Dormitorio.

Basa sa nakasaad sa tatlong pahinang warrant of arrest na inilabas ng korte nitong Hulyo 7, 2020, maaring magpiyansa ng halagang P200,000 kada isa ang mga military doctors na sina Candelaria, Apostol at Beloy para sa kanilang pansamantalang Kalayaan.

Wala namang inilaang piyansa ang korte sa mga kadeteng sina Imperial Jr; Lumbag Jr; at Tadena dahil sa isinampang murder laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?