22

By

Arrest warrant inihain kay Trillanes sa kaso ni Paolo Duterte

Sharing is caring!

Naglabas ang Davao City Regional Trial Court Branch 54 ng warrant of arrest para kay Senador Antonio Trillanes IV para sa kasong libelo na isinampa ni Paolo Duterte.

Si Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ang lumagda sa desisyon para sa arrest warrant kay Trillanes.

Gayunpaman, hindi naman makukulong si Trillanes kapag nabayaran na ang piyansa na naka-set sa P24,000.

Kaugnay ang kasong ito sa naging reklamong libelo ni Paolo, ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkakaugnay sa extortion sa Uber, isang ride-hailing app, at isinangkot din sa smuggling ng bilyong pisong shabu.

Hindi naman malinaw kung may ihahaing hold departure order kay Trillanes, na nakiusap at pinayagan na ng Makati RTC Branch 150 na makalabas ng bansa sa Disyembre 11, Martes, para pumunta sa Europa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?