51
Arocha Finals MVP ng Season 94
By ,

Arocha Finals MVP ng Season 94

Itinanghal na Finals MVP ang veteran spiker ng Arellano Lady Chiefs na si Regine Arocha matapos nitong tulungan ang kanyang tropa na depensahan ang titulo sa NCAA Season 94 women’s volleyball.

Ito na ang back-to-back Finals MVP plum ni Arocha na unang nakuha niya noong Season 93.

“Hindi ko po alam sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala kasi lagi ko pong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako umaasa diyan, sa Finals MVP na ‘yan,” sabi ni Arocha.

“Basta mag-champion, mag-three peat kami, okay na, masaya na ako doon. Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha ko ‘to.”

Nagkwento rin si Arocha sa naging takbo ng kanilang laro sa fourth set ng laro kung saan hindi na nilang hinayaang makabalik ang Perpetual at sinelyuhan nito ang kampeonato.

Pinoste ng Arellano ang 11-0 run para sa komportableng 22-13 lead at dito nagawa na nilang makontrol at tuluyang dominahin ang laro.

“Sinabi namin sa sarili namin nung nag-usap po kami sabi namin, binibigay na sa atin eh, ito na kunin na natin,” dagdag nito.

“Katulad po ng sinabi ng mga coaches sa meeting na kapag nakita niyo na nakadapa, huwag niyo nang patayuin pa. Tapakan niyo pa para hindi makabangon pa,” sabi pa ni Arocha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?