70

Jan 10, 2021 @ 22:51
By

Arnold Schwarzenegger: President Trump is a failed leader

“President Trump is a failed leader.”

Ganito inilarawan ni Arnold Schwarzenegger ang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos na si President Donald Trump.

Sa Twitter account ng kasalukuyang gobernador sa California, ibinihagi ni Schwarzenegger ang video kung saan inilabas niya ang kanyang saloobin hinggil sa administrasyon ni Trump at sa kalagayan ng mga mamamayan sa kanilang bansa.

“As an immigrant to this country, I would like to say a few words to my fellow Americans and to our friends around the world about the events of recent days,” panimula niya.

Ibinahagi niya ang karanasan niya noong pagkabata na tila nasasalamin sa reyalidad ng Amerika sa kasalukuyan.

“[I]’ve never shared this so publicly because it is a painful memory. But my father would come home drunk once or twice a week, a he would scream and hit us and scare my mother. I didn’t hold him totally responsible because our neighbor was doing the same thing with his family and so was the next neighbor over,” kwento niya.

Nagdulot daw ang pananakit ng kanyang ama sa pisikal at emosyonal na aspeto ng kanyang pagkatao.

Lumaki sa Europa ang aktor kaya masalimuot umano ang kanyang pagkabata.

Aniya, dapat na maging “intolerant” ang mga tao sa karahasan.

Kaugnay ito sa nangyaring siege sa US Capitol nito lamang Huwebes, Enero 6, kung saan naging marahas ang mga tao at nagwala pa sa naturang lugar.

Dagdag pa niya, naniniwala siya sa bunga ng pagiging makasarili.

“I do believe that we must be aware of the dire consequences of selfishness and cynicism,” pahayag niya.

Inilarawan din ng sikat na aktor si Trump bilang palpak at ‘worst president’ ng Amerika.

“President Trump is a failed leader. He will go down in history as the worst president ever,” sambit niya.

“The good thing is he will soon be as irrelevant as an old tweet,” hirit pa niya.

Sa kabila nito, naniniwala siya na makababangon muli ang kanilang bansa mula sa madilim na pinagdaanan.

“America will come back from these dark days and shine our light once again,” wika niya.

Hinikayat din niya ang lahat ng kanyang kababayan, Republican o Democrat man, na hilingin ang katagumpayan para sa susunod nilang pangulo na si Joe Biden.

“President-elect Biden, we wish you great success as our President,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?