55

By

Arnold Schwarzenegger, nagpapagaling na sa heart operation

Sharing is caring!

“Good but not great”

Ganito inilarawan ng sikat na Hollywood actor na si Arnold Schwarzenegger ang kanyang kondisyon matapos siyang operahan sa puso kamakailan.

Sa video na pinost nito sa kanyang Twitter account, nagpasalamat ang 70-anyos na bida ng “Terminator ” franchise at dating goberbador ng California sa mga nagpa-abot ng suporta sa kanya.

Sa kanyang video, naka-upo ito katabi ang isang chessboard na ginagamit aniya niya para patalasin ang kanyang pag-iisip at memorya.

Si Schwarzenegger ay sumailalim sa isang heart procedure noong March 29 para palitan ang pulmonic valve na inilagay sa kanya noong 1997 para sa congenital heart defect nito.

Nakalabas ng Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles ang aktor noong April 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?