64

Oct 24, 2020 @ 8:38
By

Arnold Schwarzenegger inoperahan sa puso

Nagpalit ng piyesa sa kanyang puso si ‘Terminator’ Arnold Schwarzenegger, nilantad ng aktor nitong Sabado.

Sa tweet ng dati ring politiko, sinabi nito na nilagyan siya ng bagong aortic valve matapos ding maoperahan noong 2018.

“Thanks to the team at the Cleveland Clinic, I have a new aortic valve to go along with my new pulmonary valve from my last surgery,” lahad ng aktor.

“I feel fantastic and have already been walking the streets of Cleveland enjoying your amazing statues. Thank you to every doc and nurse on my team!” aniya pa.

Dating naoperahan ang 73-anyos na action star nang palitan din ang kanyang pulmonary valve, na nagkaroon ng komplikasyon at nauwi sa open heart surgery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: