297

Aug 24, 2018 @ 15:29
By

Arnold Padilla naka-hospital arrest dahil sa mataas na BP

Naka-hospital arrest ngayon ang lalaki sa isang viral video na nanakit ng traffic enforcers sa Magallanes, Makati habang kasama ang live-in partner at mga bodybuard.

Ayon kay Police Director Guillermo Eleazar, pinayagan niyang ilabas si Arnold Padilla sa kulungan ng pulisya sa Camp Bagong Diwa para dalhin sa ospital dahil hindi bumababa ang blood pressure nito.

Dinala ito sa St. Luke’s Medical City sa Bonifacio Global City sa Taguig, City kaninang tanghali.

Tiniyak namang ibabalik agad si Padilla sa kulungan kapag bumuti na ang kondisyon nito.

Inaresto si Padilla kaninang umaga matapos makumpiska sa bahay nito ang mga hindi lisensyadong shotgun, kalibre .45 at dalawang granada.

Hinalughog ang bahay nito sa bisa ng search warrant ng regional trial court sa Makati City.

Ayon kay Atty. Raymund Fortun, abogado ni Padilla, tumaas ang blood pressure nito sa 240/160 kahit pinainom na ng gamot kaya payo ng doktor ng pulisya na dalhin ito sa St. Luke’s Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?