465

By

Arnold Padilla inilipat na sa Camp Crame

Sharing is caring!

Inilipat kahapon sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ang naaarestong negosyanteng si Arnold Padilla, makaraang tumaas na naman ang blood pressure, nang ibabalik na sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Director Guillermo Lorenzo T Eleazar, si Padilla ay dinala sa PNP General Hospital at posibleng tatagal lamang ito doon sa loob ng dalawang araw.

Sinabi ni Police Supt. Luis Jose Bautista, hepe ng Regional Health Service ng NCRPO, mula sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City ay ibabalik na sana sila sa Camp Bagong Diwa upang doon ikulong si Padilla pero bago umalis sa ospital, kinunan ng blood pressure ito at napag alamang tumaas na naman ito sa sinasabing ‘dangerous levels’ na 180/120.

Kaya naman nagpasya na lamang umano na dalhin si Padilla sa PNP General Hospital. pero Giit ni Bautista, walang sakit si Padilla at maliban sa hypertension, ‘cleared’ na siya batay sa findings ng St. Lukes

Nasamsam sa apartment unit ni Padilla sa Magallanes Village, Makati City, ang tatlong baril, mga bala, at dalawang granada sa cabinet ng kusina ni Padilla nang salakayin ang tahanan nito ng mga operatiba ng NCRPO noong Agosto 24.

Magugunitang nag-viral si Padilla at ang kaniyang bodyguard na nakipagsagutan, nanakot at nanakit sa traffic enforcer nang lumagpas ang kanilang kotse sa red light.

Maliban sa mga kasong direct assault at physical injury, may 30 pang reklamong kinakaharap si Padilla sa kanyang mga kapitbahay, na labis na natuwa nang maaresto ito.

Inaalam din ng mga awtoridad ang sinasabing suspek din sa pagpatay ang nasabing negosyante sa kanayang kapatid dahil sa away sa mana noong taong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?