258

Jan 10, 2022 @ 11:37
By

Arnold Clavio tinamaan ng Covid 19

Hindi nakaligtas ang broadcast journalist na si Arnold Clavio sa bagsik ng COVID-19.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Igan ang kaniyang kalagayan.

“After almost two years, this is my first time to be infected by COVID-19 virus. It’s real and serious although may mild symptoms ako like cough due to hyperacidity,” caption ni Igan kalakip ang video kung saan kumukuha siya ng antigen test.

“Last Thursday, may close contact ako sa isang nag-positive. Immediately, I had my antigen test done and it turned out negative. Yesterday, after RT-PCR test, the result was negative. This morning, para makasiguro, I had my antigen test again and bad news, I am positive. And the only way to fight this virus is positive thought,” pahayag pa nito.

Aniya, hindi naman siya nagkulang sa pag-iingat ngunit nahawa pa rin siya.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang publiko na mag-ingat dahil sa lumalala na namang bilang ng mga nahahawaan ng Coronavirus.

“Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of Vitamin D, tinamaan pa rin ako and I don’t know how. So be careful everyone. See you in after 7-14 days of isolation. God is good! Amen!” dagdag pa nito.


(Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?