219

Apr 12, 2019 @ 11:54
By

Arnell Ignacio nagtapos sa kolehiyo sa edad na 55

Nagtapos na ng kolehiyo ang television host at komedyanteng si Arnell Ignacio sa edad na 55, sa kursong bachelor’s degree in political science, specializing in local government administration.

Ibinahagi ni Arnell ang larawan mula sa kaniyang graduation rites sa Facebook noong Huwebes (Abril 11).

“Finally at 55,” saad nito sa kaniyang caption.

Nagpasalamat din si Ignacio sa dean ng University of Makati dahil sa pagtitiyaga nito sa kaniyang schedule.

“Maraming salamat sa walang humpay na tiyaga sa aking ke gulo gulong sked dean.”

“Last graduation ko 1981 high school. Ang tagal ko nag college. 2019 ang graduation. This is truly a masteral of life,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?