2,194

Apr 3, 2019 @ 20:59
By

Arnell Ignacio may hirit sa video scandal ni Jim Paredes

Nag-react si Arnell Ignacio sa kumalat na video scandal ni Jim Paredes.

Kilala sa pagpapatutsadahan online ang dalawa dahil sa magkaibang pananaw sa administrasyong Duterte.

Sa video na ibinahagi ni Arnell at nakuha ng netizen, inasar nito si Jim na matapos niyang mapanood ang video nito ay matagal-tagal bago maibabalik ang gana niya sa pagkain na sakto naman umano dahil nagda-diet siya.

Binakbakan pa nito ang sinabi noon ni Jim na bastos si Pangulong Rodrigo Duterte pero kapag pinagtabi umano ngayon ang dalawa ay tiyak didilaan ito ng Presidente.

“Maraming-maraming salamat sa’yo, Jim. Alam mo kasi nagda-diet ako, tumataba ako eh. Pero nung pagkatapos kitang panoorin, palagay ko matagal-tagal bago ako magkaroon ng gana kumain ulit at maglo-lose ako ng weight. Ano ba ‘yan kasi, Jim. Alam mo sabi mo bastos si Presidente, eh pag pinagtabi kayo ngayon ni President anong gagawin niya sa’yo?” ani Arnell.


Kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte si Arnell habang oposisyon naman si Jim.

Sa screenshot ng kumalat na video, makikita ang isang may edad nang lalaki na kamukha ni Jim na nakadila na tila nagma-masturbate sa camera.

Noong Lunes inamin ni Jim sa isang blog post na siya ang nasa viral sex video matapos unang sabihing peke ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?