415

Oct 30, 2017 @ 9:07

Arnel at Jericho nagtatalo sa ‘eksena’ kay Isabel Granada

By JOJO GABINTE

Privacy ang hinihiling ng pamilya ni Isabel Granada mula sa mga miyembro ng media at matutupad lamang ang kanilang kagustuhan kung hihinto muna ang mga kaibigan at kamag-anak nila sa social media posting ng mga update tungkol sa kalagayan ng singer-actress na naka-confine pa rin sa Surgical Intensive Care Unit ng Hamad General Hospital.

Malaking tulong sa mga reporter ang mga development sa health condition ni Isabel na ibinabahagi ni Jericho Aguas sa Facebook account nito pero dapat na pagbigyan din niya ang privacy na pakiusap ni Arnel Principe-Cowley. Si Jericho ang estranged husband ni Isabel at si Arnel ang current partner ng singer-actress.

Meanwhile, nilinaw ng isang aktuwal na nakarinig sa radio program ni Cristy Fermin sa AksyonTV ang isyu na ito ang nagbalita na pumanaw si Isabel noong October 25, isang fake news na pinaniwalaan ng mga tao na hindi na nag-aksaya ng panahon na alamin ang katotohanan.

Umani ng mga batikos si Cristy na biktima ng mga panghuhusga kahit walang ginawa na pagkakamali.

Ito ang paglilinaw ng radio listener na si Japs Borromeo Gersin.

“Earlier sa CFM Oct. 25 episode ay binasa sa ere ang official statement ni Arnel Cowley, asawa ni Isabel. After that, nagpahayag ng malasakit ang tatlong host (Cristy Fermin, Ronnie Carrasco lll at Wendell Alvarez) kasama ang panawagan na magdasal para malampasan ni Isabel ang pinagdadaanang pagsubok. End of Isabel topic ng gap.

“Habang nagkakasayahan sa programa, na araw-araw na nagpapasaya sa mga listeners, ay nag-text kay Cristy Fermin si Direk Frannie Zamora na patay na diumano si Isabel, referring to that Vivian Velez post. So kambiyo na naman ang mga host.

“And Cristy said na KUNG TOTOO man ang balita ay nakikiramay sila sa mga naiwan ni Isabel, pero SANA AY HINDI TOTOO, something to that effect.

“Back to regular programming ang Cristy Per Minute… after a couple of minutes or so, may nag-text na naman na hindi nga totoong pumanaw na si Isabel at ang tatlong host, with a sign of relief, ay nagpasalamat dahil buhay na buhay pa nga ang aktres at patuloy na nakikipaglaban. That Vivian Velez post, she took it down immediately,” ang detalyado na kuwento ng saksi at nakarinig sa mga pangyayari.

Napilitan si Gersin na magsalita dahil sa maling paniniwala na source ng fake news si Cristy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?