186

Dec 28, 2019 @ 13:58
By

Army umamin: Picture ng mga sumukong NPA member, edited!

Inamin ng Philippine Army 9th Infantry Division na minanipula nila ang mga pinalabas na larawan sa pagsuko ng ilang miyembro ng New People’s Army sa Masbate.

Ayon kay 9th ID spokesperson Major Ricky Aguilar, kanila itong ginawa para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga dating rebelde.

Hindi rin nila umano intensyon na lokohin ang publiko sa paglalabas ng edited picture.

“In our ardent desire to release timely information, we were not able to double check the pictures we attached in our press release yesterday December 26, 2019,” saad ni Aguilar.

“Our line unit’s intention is not to mislead the public, but to protect the lives of the former rebels who placed themselves at risk by surrendering to the government,” saad pa.

Bagama’t edited ang larawan, giniit naman ni Aguilar na nangyari nga ang pagsuko ng 306 na dating rebelde noong Disyembre 26, 2019.

Ito’y kasunod ng pagpuna sa social media ng latawang ipinaskil sa isang media entity kung saan napansin na edited ang nasabing photo release.

“We admit to have committed a mistake though by manipulating the picture for the sole purpose of ensuring the safety of the lives of the FRs and their families. We apologize for the honest mistake. We are hoping for your kind understanding,” paumahin ni Aguilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?