300

Army reserve Matteo Guidicelli itinaas na ang ranggo

Matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinarangalan na ng Philippine Army ang aktor na si Matteo Guidicelli ng ranggong Second Lieutenant ng military reserve command mula sa dating Army Private ngayon, Agosto 20.

Iginawad ito matapos ang pinagdaanang isang-buwang pagsasanay ni Guidicelli sa First Scout Ranger Regiment, Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan na natapos noong Hunyo 27.

Ayon sa Facebook page ng Philippine Army, si Guidicelli lang ang tanging reservist mula sa 97 na nakatapos ng nasabing pagsasanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?