201

Jan 10, 2020 @ 16:19
By

Army official pinatalsik dahil sa edited na NPA photo

Sinibak sa pwesto ang battalion commander na sangkot sa pagpapalabas ng edited na larawan ng mga New People’s Army member na sumuko noong nakaraang Disyembre.

Ayon kay Philippine Army spokesman Lieutenant Colonel Ramon Zagala, inamin ni Lieutenant Colonel Napoleon Pabon ang kanyang pagkakamali at inako ang responsibilidad sa nasabing insidente.

Dahil dito’y tinanggal sa pwesto bilang top official ng 2nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division si Pabon noong Enero.

“We hold our personnel with high esteem in all our dealings especially in our releases to the media and the public,” saad ni Zagala.

“We constantly train and remind them of our policies so that everyone is knowledgeable in the proper release of information and we take this incident as a valuable experience that will enable us to better perform our mission,” aniya pa.

Matatandaan na dinepensa ni 9th Infantry Division spokesperson Major Ricky Aguilar na hindi nila intensyon na lokohin ang publiko at tanging gusto lang nila ay maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga sumukong rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?