42

Apr 15, 2020 @ 17:33
By

Army officer na pumanaw na may sintomas ng COVID-19, nagnegatibo sa virus

Lumabas na negatibo sa virus ang isang opisyal ng Philippine Army na pumanaw matapos magpakita ng sintomas ng COVID-19.

Batay sa resulta ng test na sinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine, negatibo sa virus si 2Lt Vince Magbanua, ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Sa medical record ni Magbanua, namatay umano ito dahil sa acute myocardial infraction o atake sa puso. Mayroon din siyang “bronchial asthma in acute exacerbation”.

Una siyang dinala sa isang ospital sa Bulacan noong Abri 7 matapos mahirapang huminga.

Na-diagnose siyang may acute bronchitis. Pinayuhan siyang bumalik sa barracks at mag-self isolate.

Sumunod na araw ay muli siyang tinakbo sa ospital matapos mahirapan muling huminga pero dineklara siyang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?