63

Apr 25, 2020 @ 18:14
By

Army nagpasaklolo sa NBI sa kaso ni Ragos

Nagpatulong ang Philippine Army sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iimbestiga sa kaso ng napatay na dating sundalo na si Corporal Winston Ragos.

Sumulat si Army commander Lt. Gen. Gilbert Gapay kay NBI Director Atty. Eric Distor para hilingin na magsagawa ng impartial investigation dahil sa magkaibang pahayag ng sangkot na mga pulis at mga saksi.

“Apparent prejudgement by police investigators moved the Army to seek help from the NBI so that justice may be served for Ragos and his family,” sabi sa inilabas na pahayag ng Army.

Si Ragos ay nagsilbi ng pitong taon sa military at na-diagnose na may post-traumatic stress disorder.

Binaril siya at napatay ni Police Master Sergeant Daniel Florendo malapit sa control point sa Fairview noong Abril 21 matapos umanong hindi sumunod sa utos na umuwi na ng bahay dahil sa ECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?