107

May 25, 2019 @ 17:46
By ,

Army mas magulang sa BaliPure – Gonzaga

Magkakasubukan agad sina seasoned stars Jovelyn Gonzaga, Mary Jean ‘Ging’ Balse-Pabayo, Nerissa ‘Nene’ Bautista at Royse Tubino ng bagong saltang Pacific Town-Army kontra Grazielle Bombita, Menchie Tubiera at Katrina Racelis ng nagbabalik na BaliPure.

Sa pagsambulat ito ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference na may twinbill ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pokus din sa hambalusan ng dalawang team sa alas-dos ng hapon sina Dahlia Cruz, Tin Agno, Angela Nunag, Lutgarda Malaluan, Jeannie delos Reyes, Jem Gutierrez at Sarah Jane Gonzales kasama si coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr.

Gayundin sina young setter Alina Bicar ng University of Sto. Tomas at reinforcements Ukrainian Lena Lymareva, na nag-PetroGazz noong isang taon, at American Jenelle Jordan.

“Kung i-compare ang bata sa may edad, ang mga bata kasi ang bilis nandoon eh, ang talon nandoon eh. So siguro ang pagiging magulang sa laro ang advantage namin,” sabi ni Gonzaga na balik-laro tapos ang isa’t kalahating taong pagkatengga dahil sa ACL.

Tapos mawala ng isang conference at sumailalim sa isang rebuilding process, kumpiyansa ang Water Defenders na kaya nilang sumabay sa ilang tropa sa liga.

Ang beteranang si Bombita ang gigiya sa kampo kasama ang ilang National Collegiate Athletic Association veterans gaya nina Tubiera ng Arellano University at Racelis na mula Mapua University kasama sina imports Danijeva Dzakovic at Alexandra Vajdova.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?