110

Jul 17, 2019 @ 20:38
By

Army headquarters binulabog ng bomb scare

Nagdulot ng alarma ang iniwang motorsiklo sa labas ng gate ng Philippine Army headquarters nitong Miyerkoles.

Nakita ang motorsiklo alas-12:00 ng tanghali sa gate ng Philippine Army Wellness Center sa Lawton Avenue sa Taguig City.

Bunga nito, nagpakalat ang militar ng mga bomb sniffing K-9 at kinordonahan ang lugar.

Matapos makaamoy ang bomb-sniffing dogs ng “traces of explosives”, nagsagawa sila ng water disruption kaya walang naganap na pagsabog.

Hindi pa batid kung sino ang nag-iwan ng motorsiklo sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?