254
ABANTE TNT duterte mas magaling noynoy palasyo

Army general, colonel, 18 pang opisyal ng V- Luna Hospital sinibak ni Duterte

Sharing is caring!

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng V. Luna Medical Center dahil sa anomalya at katiwalian .

Kinilala ang mga sinibak na sina Brigadier General Edwin Leo Torrelavega, Commander ng AFP Health Service Command, at Colonel Antonio Punzalan, Commander ng V.Luna Medical Center, Chiefs of Management and Fiscal Office, and the Logistics office ng AFP Health Service Command.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa dalawang AFP officials, 18 iba pa ang kasama sa mga sinibak dahil nakipagsabwatan ang mga ito sa anomalya at katiwalian.

” Several high ranking officials and employees of V. Luna Medical Center health Service Command undertook anomalous purchases of equipment and engage in fraudulent transactions including ghost purchasing, splittings of contract circumvent mandatory bidding processes and conceiving fictitious suppliers,” ani Roque.

Dismayado at galit na galit aniya si Pangulong Duterte sa natuklasang anomalya sa V.Luna Hospital kaya iniutos nito ang pagsibak sa mga sangkot na opisyal at isailalimmagad sa Court Martial proceedings.

Matatandaang P500 million ang paunang pondong ibinigay ng Pangulo sa V.Luna Medical Center para sa rehabilitasyon at pagbili ng mga makabagong medical equipments bukod pa sa P50 million kada buwan para sa gamot ng mga sugatang sundalo at iba pang mga pasyente.

Sinabi ni Roque na kada maanomalyang transaksiyon ay nagkakahalaga ng P1.491,570 subalit sa kabuuan ay umaabot sa daan daang milyong piso.

Nadiskubre aniya ang anomalya sa pamamagitan ng isang whistle blower kaya agad na kumilos ang liderato ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Roque na natanggap ng Pangulo ang report noong nakalipas na linggo kaya ganoon na lamang ang galit nito dahil nasabay ito sa isyu sa Naying Pilipino.

“The reports came in last Monday which explains why the President was very aggravated in talking about corruption in the last cabinet meeting because there was the issue of both Nayong Pilipino and V.Luna information which he has just received concerning fraudulent activities in both agencies,” dagdag pa ni Roque.(Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?