13

Aug 25, 2020 @ 21:52

Army chief pabor sa martial law uli sa Sulu

Pabor si Philippine Army chief, Lieutenant General Cirilito Sobejana na isailalim muli sa martial law ang lalawigan ng Sulu.

Aniya, makakatulong iyon para ma-isolate at matunton ang Abu Sayyaf network.

Magugunitang dalawa at kalahating taon isinailalim sa martial law ang Mindanao region para mapulbos ang mga rebeldeng kumubkob sa Marawi City.

Noong nakaraang taon lang inalis ang martial law sa rehiyon.

“The situation dictates, calls for it, with that recent incident with many casualties, to better control the population,” pahayag ni Sobejana.

“It is wise to declare martial law again,” dagdag niya.

Reaksyon ito ni Sobejana matapos ang magkasunod na pagsabog noong Lunes sa Jolo kung saan 15 ang namatay habang 78 pa ang sugatan, na kapwa umano kagagawan ng mga suicide bomber. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?