62

By

Army Chief Bautista gustong gawing NFA Administrator ni Duterte

Sharing is caring!

Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napipisil na hahalili sa puwestong babakantehin nang nagbitiw sa puwesto na si dating National Food Authority Administrator (NFA) Jason Aquino.

Ito ay si Philippine Army Commanding General Rolando Jose Bautista, binunyag ni Duterte sa command conference sa Tuguegarao nitong Linggo ng hapon, Setyembre 16.

“In the meantime na ‘di kita malagay sa Central Bank… doon ka muna sa NFA siguro, to rationalize the idiotic ano itong… para maplano, make it structural .” saad ni Duterte.

Naging in-charge dati sa bakbakan sa Marawi City kalaban ang Maute Group ang lieutenant general noong Mayo nang nakaraang taon.

Matatandaaang noong nakaraang linggo ay naiulat na galing sa hanay ng mga militar ang magiging sunod na administrador ng NFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?