26

Jan 27, 2021 @ 15:50
By

Army chief bagong pinuno ng AFP

Napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Kinumpirma nitong Miyerkoles ng Malacañang ang pagpalit ni Sobejana kay Gen. Gilbert Gapay, na magreretiro na sa Pebrero 4.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala sila na ipagpapatuloy ni General Sobejana ang pagreporma sa militar “to make the Armed Forces truly professional in its mandate as the protector of the people and the State.”

“We wish General Sobejana all the best in his new tour of duty as we pray for his success,” dagdag ni Roque.

Miyembro si Sobejana ng Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.

Tumanggap din siya ng Medal of Valor, pinakamataas na military award, nang pangunahan niya ang matagumpay na pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf noong 1995.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?