141
army2
Apr 18, 2018 @ 16:05
By

Army base nilusob ng BIFF sa Maguindanao: 4 patay, sugatan

Dalawang Daesh-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa Shariff Saydona, Maguindanao, Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, desperado na umano ang BIFF na makaganti sa militar matapos matalo sa nakaraang bakbakan kabilang na ang pagkadiskubre sa pagawaan ng mga armas sa Datu Salibo, Maguindanao noong Linggo.

May 16 BIFF na bandido na pinamunuan ni Commander Samad Simpal ang nang-harass sa detachment ng 40th Infantry Battalion dakong alas- 7:40 ng gabi na nauwi sa palitan ng putukan na ikinasawi ng dalawang BIFF members at pagkasugat ng dalawa pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?