25

Dec 5, 2020 @ 9:56
By

Arjo waging best actor sa Asian Academy Creative Awards

Pinoy pride nang maituturing si Arjo Atayde matapos itong magwagi bilang best actor sa 3rd Asian Academy Creative Awards nitong Biyernes.

Pinangalanan si Arjo bilang ‘Best Actor in a Leading Role’ dahil sa kanyang pagganap bilang barbero na napasok sa politika sa iWant series na ‘Bagman’.

Tinalo ni Arjo ang ilan sa mga bigating artista ng ibang bansa tulad nina Luo Jin ng China, Anthony Wong ng Hong Kong, Manoj Bajyapee ng India, Miller Khan ng Indonesia, Kha Ra ng Myanmar, Zhang Yao Dong ng Singapore, Ching-Ting Hsia ng Taiwan at Prin Suparat ng Thailand.

Siya lang ang tanging Pinoy na nanalo ng main award sa naturang event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?