673

Jan 23, 2019 @ 19:33
By

Arjo sumikat dahil kay Maine? Ria Atayde nag-react

“Unfair” para kay Ria Atayde ang sinasabi ng mga tao na ang tagumpay at kasikatan ngayon ng kapatid niyang si Arjo ay dahil kay Maine Mendoza.

“A lot of people, sinasabi that his successes now have to do with her and I’m like, that’s so unfair,” ani Ria sa panayam sa “Tonight With Boy Abunda” noong Lunes.

Reaksiyon ito ni Ria sa tanong ni Boy Abunda tungkol sa mga taong hindi pabor sa pagkakaibigan nina Arjo at Maine.

Aniya, nagsumikap ang kapatid niya para sa tinatamasa nito ngayon.

“He worked so hard to get where he is. And to discredit his work? Wow ha. Not fair at all,” aniya.

Samantala, sa presscon ng pelikulang ‘Tol’ ni Arjo nitong Martes ay inamin na umano ng una na totoong may namamagitan sa kanila ni Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?