283

Jan 21, 2019 @ 13:08
By

Arjo, Ria tinawag na manggagamit, Maine dumepensa

Ni: RP

Sinagot ng Kapuso actress na si Maine Mendoza ang isang basher ng magkapatid na Arjo at Ria Atayde na sinabing ginagamit daw umano ng dalawa ang kasikatan ng una para makakuha ng mga project.

Saad ng isang netizen na may handle na @mcbill0524, ‘user’ umano ang dalawa dahil sa paggamit ng pangalan ni Maine.

“Ginamit mo nanaman name ni @mainedcm. Tindi ng pagiging user nyo magkapatid noh? Umingay na name nyo nagka project pa kayo dahil sa panggagamit nyo sa name ni Maine… Mga user tsk.. tsk..” saad ng netizen.

Kaagad namang dumepensa si Maine, sinabi na tigilan na ang pamba-bash sa pamilya ni Arjo at sana’y irespeto ang dalawa.

Ang dahilan din umano ng pagkuha ng proyekto ng magkapatid ay ang kanilang angking galing at hindi dahil kay Maine.

“I would appreciate if you’ll show some respect not just to our family but to theirs as well. Just stop this nonsense and let us all do better instead,” ayon kay Maine. “They get projects because of their talent, not because of any other reasons. Once and for all let’s give credit to whom its due.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?