82

Oct 15, 2021 @ 22:56
By

Arjo, Maine usapang kasalan na

Inamin ni Arjo Atayde na napag-uusapan na nila ni Maine Mendoza ang pagpapakasal.

Naniniwala raw kasi ang aktor nakita na niya ang “the one” kay Maine.

“Obviously, I’m not wasting time. Sobrang mahal ko po ‘yung tao eh, very sincere ‘yung tao,” saad ng aktor sa YouTube vlog ni Julius Babao.

“Yes of course, napag-uusapan ‘yan. I’m at the right age, we’re not getting any younger and we’re both very happy, hopefully until we get old. Ito na po ‘yon, I think so,” dagdag niya.

Noong 2019 inamin nina Arjo at Maine na mag-on na sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?