666

Oct 23, 2018 @ 12:49
By

Arjo, Maine huling nag-‘date’ sa BGC

Na-confuse ang mga netizen sa post ng sister ni Arjo Atayde na isa ring Kapamilya actress na si Ria Atayde.

Patungkol daw ba ‘yun kay Maine Mendoza at sa kanyang kuya na sinasabing loveless na raw ngayon?

Nakita kasing magkasama sina Arjo at Maine na kumakain kamakailan sa isang restaurant sa Makati.

Marami tuloy ang nagtatanong kung nililigawan ni Arjo si Yaya Dub.

Tweet ni Ria nu’ng Monday: “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents.”

Tanong nga ng mga netizen, ‘di raw kaya ang tinutukoy ni Ria ay sina Arjo at Maine?

Nagkataon kasi na muling nakita ang dalawang celebrity nu’ng Saturday, October 20 sa isang bar somewhere sa BGC City.

Hindi nagbanggit si Ria ng name kung sino ang tinutukoy niya. Pero, ang netizens ay agree sa tweet niya.

Early this year lang ay inamin ni Arjo na may girlfriend siya ng miyembro ng GirlTrends na napapanood sa ‘It’s Showtime’.

Lately lang may nagtsika sa amin na hiwalay na raw ang actor at ang GirlTrend member.

Sabi nga ng isang fan ni Arjo, ‘hindi na AlDub si Yaya Dub kundi ArDub na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?