641
abante-tnt-vismin-arjo-atayde1
Aug 19, 2018 @ 16:17
By

Arjo Atayde kinabahan sa eksena kina Maricel Soriano at Angel Locsin

Isa si Arjo Atayde sa hinangaan nang husto sa mahusay niyang pagganap sa katatapos lang na Anne Curtis starrer na ‘BuyBust’.

After ng pelikulang ito, ang susunod na aabangan naman kay Arjo ay ang star-studded na TV series ng ABS-CBN na ‘The General’s Daughter’. Tampok din dito sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Tirso Cruz III, Albert Martinez, at marami pang iba.

Balita namin, si Arjo ay gaganap na anak ni Maricel sa naturang serye. May autism ang karakter dito ni Arjo kaya panibagong challenge na naman ito para sa aktor.

Sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ pinuri nang husto ang kanyang galing bilang isa sa kontrabida ni Coco Martin.

Kinamusta namin si Arjo sa TV series nilang The General’s Daughter.

Sagot niya, “Okay naman po. Nag-start na po kami. We’re airing hopefully very, very soon. Wala pang playdates, but let’s see. Soon naman daw.”

Sino na ang nakaeksena niya rito?

“Si ‘Nay Maricel at saka si Angel, tsaka marami pang artista,” pakli ng guwapitong anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Kamusta naman ‘yun? “Magaling silang pareho e, so I’m very thankful na nabigyan ako ng oportunidad na makasama sila sa teleserye.”

Mas nacha-challenge ka ba kapag magagaling ang kasama mong artista?

Aniya, “Hindi nacha-challenge, e, natutulungan ako. I always give my best no matter what role. It’s not a question.

“Pero more than giving my best, hindi ko kailangan umarte kasi mas magaling ‘yung kasama ko. Bigay lang sila nang bigay, receive lang ako nang receive.”

Nabanggit pa ni Arjo na kinabahan din siya sa eksena with Maricel and Angel.

“Kinakabahan naman ako kahit kanino, e. Pero of course first time kay Maricel, kakabahan ka talaga, ‘di ba? Kay Angel kinabahan din ako. Sa lahat naman e, ‘pag first time ko makaeksena, kinakabahan talaga ako.

“Any taping day, bago mag-eksena, kahit simpleng eksena, kinakabahan pa rin ako, eh,” nakangiting wika pa ng magaling na actor.

Bukod sa pelikula at teleserye niya sa ABS-CBN, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Arjo ay ang pagiging brand ambassador ng Beautederm na pag-aari ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan. Actually, mayroong sariling Origin Perfume Series na Alpha, Radix, at Dawn si Arjo na kanyang ipinagmamalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?