216

By

Arjo Atayde, hindi nahirapang sapakin si Anne Curtis

Sharing is caring!

Aminado ang Kapamilya aktor na si Arjo Atayde na sobra siyang na-overwhelm sa magagandang feedback at papuri na nakukuha ng kanilang pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis, at mula sa pamamahala ni Direk Erik Matti.

Ang maaksiyong pelikulang ito na showing pa rin ngayon ay mula sa Viva Films at Reality Entertainment.

“Speechless ako sa mga comments, reviews, messages na sine-send sa akin. Thankful, blessed… overwhelming, hindi ko ma-put yung gusto kong iparating sa mga tao. Pero unbelievable reviews, unbelievable comments, unbelievable na pag-take… kasi kahit noong after premiere, ngayon kasi halos araw-araw pinapanood ko sa sinehan, eh.

“Yeah, different cinemas too, with friends, if friends can make it, kasi gusto nila akong makasama na pinapanood… it’s our movie, I wanna make a way that I’ll be there and support the movie also, habang showing.”

Paano niya ide-describe ang movie?

“The movie is an explosion, kakaiba. Hopefully this is the transition from all these movies to action naman. Pagbabalik aksiyon… Hopefully bumalik na yung action para we have more diverse stories na maibibigay sa mga viewers natin. I’m very excited, hopefully this is the start for action, coming back.”

Nahirapan ba siyang sapakin si Anne?

Mabilis na sagot ni Arjo, “Ay hindi, Anne was very… I was careful first of all kasi of course babae siya. At the same time, I didn’t want to hurt anyone on the set. Kasi actually, siya ang kaeksena ko, so I don’t wanna hurt Anne.

“But, she’s very professional, so I felt so comfortable, di ako kinakabahan I was just doing my moves, sakto lang, huwag lang siya matamaan. And of course she was very professional si Anne and Erik Matti and Reality is a production to look out for.

“There something explosive, there is someting different, kakaiba sila. Kakaiba yung Reality, kakaiba yung Viva mag-isip. So, I’m very thankful to be part of the team.”

Gusto ba niyang gumawa ng action movie ulit with Direk Erik?

Saad ng binata ni Ms. Sylvia Sanchez, “Oh yeah, direk Erik, Viva, Reality. With that group, any time any day, one call away… action, drama, any movies. I’m willing to do, basta Viva, Reality, I’m down,” saad pa ni Arjo sa grand opening ng BeauteFinds by BeauteDerm sa San Juan City.

Si Arjo ang isa sa brand ambassador ng kompanyang pag-aari ni Ms. Rhea Tan at kabilang sa kanyang signature perfumes dito ang tatlong scents na Alpha, Radix, at Dawn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?