9,253

Nov 13, 2017 @ 12:44
By

Arjo Atayde, dedma sa ‘batibot’ video niya

Kalmado at ngiti lang si Arjo Atayde kaugnay sa kumakalat na sex video diumano niya sa socmed at sa ibang mga gay site.

Nitong nakaraang linggo, nagpiyesta ang mga bakla sa Facebook nang ma-view ng marami ang isang site kung saan mapapanood ang full sex video scandal na natuturong si Arjo.

Maraming close-ups ang lalake sa video na hawig ni Arjo. Sa kutis ng balat, sa tabas ng buhok at sa dimples, malaki nga ang pagkakahawig nito sa aktor.

Nagpapaligaya sa sarili ang ginagawa noong lalake sa video na noong una ay nakatago pa sa white underwear nito ang hinihimas niyang sandata.

Noong makatsikahan namin si Arjo, itinanggi niyang siya ang lalake sa vid-scandal pero ayaw na niyang masyadong mag-comment pa tungkol dito.

Ayon kay Arjo, marami raw lumabas kaugnay sa video. Pati raw mga photos ng lalake ay nagpasalin-salin sa kung saan-saan.

Hindi lang nilinaw sa amin ng aktor kung ang photos na sinasabi niya ay hiwalay sa vid scandal o nakunan lang ng screenshot.

Sabi nga ni Arjo, deadma lang siya sa sex video scandal at ang kanyang pamilya dahil alam naman raw ng mga ito ang totoo.

Anyways, dahil sa sex vid na ito mas lalong naging katakam-takam sa paningin ng mga beki at babae si Arjo.

Ewan lang namin kung malaki ang maitutulong ng isyu sa lalabas na bagong serye ng aktor sa ABS-CBN 2. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?