105

Jul 3, 2022 @ 22:14
By

Arjo Atayde 6 panukalang batas agad inihain

Ratsada agad sa trabaho bilang bagong congressman ng unang distrito ng Quezon City ang aktor at dyowa ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde.

Sa kanyang Instagram, ibinida ng award-winning actor ang unang anim na panukalang batas na kanyang inihain sa Kongreso.

Una na rito ang House Bill 457, na layuning ideklara ang QC bilang “Film and Television Arts Capital of the Philippines”.

Kabilang din sa inihain niya ang “The Eddie Garcia Bill” o “An act providing for occupational safety and health standards for the workers and talents in the movie and television industry.”

Nag-file rin siya ng anti-SOGIE discrimination bill, allowance at benepisyo para sa mga barangay health worker, pagtatayo ng Virology Institute at pag-upgrade at pag-convert sa Quezon City General Hospital bilang isang medical center.

“Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte,” saad ng bagong mambabatas sa IG post. “Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?