100

Dec 10, 2018 @ 12:16
By

Ariza target ng LA Lakers

Hahanap ng paraan ang Los Angeles Lakers upang makuha ang one-time NBA champion na si Trevor Ariza.

Handang makipag-trade ang Lakers sa Phoenix Suns, na hanap ay draft pick at isang guwardiya para maisalba ang kanilang 4-22 record.

Ayon sa ilang report posibleng si Kentavious Caldwell-Pope ang ipalit ng Lakers para kay Ariza, at maaari ring sumali ang isa pang koponan para sa nasabing trade.

Si Ariza ay may one-year contract sa Suns, uma-average ng 9.7 puntos at 5.5 rebounds sa 24 na laro.

Dati na ring naging manlalaro si Ariza para sa Lakers, kung saan parte siya ng 2009 champion team ng koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?