abante-tnt-vismin-ariana-grande-pete-davidson
By

Ariana umamin sa date kay Pete Davidson

Sharing is caring!

Inamin ng pop singer na si Ariana Grande na dine-date niya ngayon ang Saturday Night Live! comedian na si Pete Davidson.

“It just started and is casual,” pagkumpirma ng singer sa E! News pagkatapos ng kanyang opening number sa katatapos lamang na Billboard Music Awards.

Parehong wala nang karelasyon sina Ariana at Pete noong nakilala nila ang isa’t isa.

Break na si Ariana sa rapper na si Mac Miller noong nakaraang buwan, samantalang si Pete ay hiwalay na sa girlfriend niya na si Cazzie David for two years na.

“Ariana was holding Mac together for a long time and it wasn’t a good relationship for her. She is in a very good place and very happy now,” ayon pa sa E!

Kelan lang ay naaresto ang ex-boyfriend ni Ariana na si Miller for DUI and hit and run. Kinumpirma ng Los Angeles Police Department sa E! News na naaresto nila ang 26-year-old rapper sa San Fernando Valley noong nakaraang May 9 habang sakay ng kanyang 2016 G-Wagon.

Nag-post naman si Ariana sa kanyang IG account confirming her breakup with Miller.

“This is one of my best friends in the whole world and favorite people on the planet Malcolm McCormick. respect and adore him endlessly and am grateful to have him in my life in any form, at all times regardless of how our relationship changes or what the universe holds for each of us!”

Sa bagong dine-date ni Ariana na si Pete, noong 2016 pa raw sila nagkakilala noong mag-guest host ang singer sa Saturday Night Live.

Hindi nasamahan ni Pete si Ariana sa Las Vegas noong mag-perform ito sa BBMAs dahil nasa New York City ito para sa season 43 finale show ng Saturday Night Live.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?