181

By

Ariana Grande sinisisi sa pagkamatay ni Mac Miller

Sharing is caring!

Nag-disbable ng comment section sa Instagram si Ariana Grande matapos ang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si US rapper Mac Miller.

Ilang oras pagkatapos pumutok ang balita, napuno ng mga komento ang kanyang Instagram post na sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend.

Nag-date si Ariana at Mac Miller nang dalawang taon bago sila naghiwalay ngayong taon. Inamin ni Ariana na naging “toxic” ang kanilang relasyon. Ilang buwan lang pagkatapos ng kanilang hiwalayan ay engaged na si Ariana kay Pete Davidson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?