194

Mar 26, 2020 @ 22:52
By

Ariana Grande, quarantine partner ang bagong jowa

Kahit may quarantine ay buhay na buhay pa rin ang lovelife ng sikat na singer na si Ariana Grande.

Makikita sa kanyang Instagram Stories ang mga litrato ng lalaki na hindi kita ang mukha, kumpirmadong magkasama sila sa gitna ng quarantine.

Napag-alamang Dalton Gomez ang pangalan ng sinasabing bagong boyfriend ng singer na isang real estate agent.

Maraming fans ang nag-react, matagal na ring usap-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa.

Matapos ang relasyon at engagement ni Grande kay Pete Davidson, kay Gomez pa lang na-link muli ang una.

Naging mas maingat na ang singer pagdating sa kanyang relasyon hindi tulad dati na isinasapubliko niya ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?