55

By

Ariana Grande-Pete Davidson, engaged na sa 3-linggong pag-ibig

Sharing is caring!

Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa relasyon nina American singer Ariana Grande at actor Pete Davidson.

Ayon sa kumalat na report, engaged na si Grande sa kanyang boyfriend ng tatlong linggo pa lang na si Davidson.

“It’s a recent engagement. They’re just two people who found love quickly and make each other happy all the time. They both started talking about it this past weekend. It’s nothing they’ve been hiding,” sabi ng source ng People.com.

Naging matunog ang pagmamahalan ng dalawa nang sabihin ni Davidson na may dalawa siyang ipinalagay na tattoo para kay Grande.

Ipinalagay ni Davidson ang unang tattoo na initials na AG sa kanyang hinlalaki habang ang iconic bunny ears ni Grande ay ipina-tattoo naman niya sa likod ng kanyang tenga.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon matapos nito noong Mayo 30, 2018, na sinamahan ng larawan nila na nakasuot ng Harry Potter characters. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?